Nangingealam nga ba ang Diyos sa buhay nating mga tao o tayo ba talaga ang may hawak ng mga kapalaran natin?
Madami, ang Diyos ang sinisisi sa mga panahon ng paghihirap.
Pero hindi ba nila naiisip na hindi naman tayo bibigyan ng problema na 'di natin malalagpasan at ang mga unos na binabato satin ay mga pagsubok lamang upang mapatibay tayo bilang mga nilalang dito sa mundo.
Hindi naiisip ng iba na ang mga ito ay binibigay lang satin para mapabuti tayo.
Kailanma'y di tayo pababayaan ng Diyos.
Sinong Ama ba ang nagnais na mahirapan ang kanyang mga anak?
Wala.
Lahat ng ama ay nagnanais na lumaking matapang ang anak niya. Ika nga nila, nasa Diyos ang awa ngunit nasa tao parin ang gawa. Naniniwala ako na kahit ano man ang mangyari, ito'y nakasalalay lahat sa atin.
Tao lang din ang siyang gumamagawa ng sarili niyang kapalaran. Nasa kanya nalang kung tatahakin niya ba ang maayos na daan. Nasa kanya ang desisyon upang maisaayos ang buhay niya.
No comments:
Post a Comment